Bilang OneBRAAMD, nagkakaisa kami saan mang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, dala ang tapang, tatag, at pagmamalaki ng pagiging isang tunay na Filipino.
Itinataguyod natin ang ating wika, kultura, at kasaysayan. Ito ang mga pamana ng ating mga ninuno na nagbibigay saysay at pagkakakilanlan sa ating lahi.
Suot ang kasuotang Pinoy, taas-noo nating ipinapakita ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Kasabay nito, buong puso nating pinararangalan ang mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at dangal ng bansa.
Maligayang Buwan ng Wika at Araw ng mga Bayani! Isang karangalang maging Filipino, puno ng pag-asa, at nagkakaisa.
#BuwanngWika2025
#ArawNgMgaBayani
#OneBRAAMD