Ngayong Buwan ng Wika, tampok ang malikhaing pagtatanghal ng aming Engineering and Services Department (ESD), o Departamento ng Serbisyong Inhenyeriya. Bilang bahagi ng pagdiriwang, gumawa sila ng isang makabuluhang tula na sumasalamin sa kanilang propesyon bilang mga inhinyero at sa kanilang patuloy na pangako na magbigay ng tapat, maaasahan, at mahusay na serbisyo sa aming mga mahal na customers.
SERBISYONG INHINYERO
Kaming mga inhinyero tagahubog ng ating mundo
May sukat at anggulo at ginagawang modelo
Sa likod ng puyat at hirap sa magdamag,
Buhay at pag-asa ang aming inilatag.
Hindi lamang bakal, semento, at tulay,
Ang aming alay sa mundong makulay;
May sukat at anggulo na walang katapat na halaga,
Sapagkat sa bawat plano’y may pusong kasama.
Mula sa simpleng pangarap at matibay na hangarin,
Lumalago ang ngalan na may layuning dakila’t ningning.
O, BRAAMD Inc., patuloy na maging tanglaw,
Sa makabagong bukas, ang galing mo’y umaapaw.
Hindi lang negosyo, kundi serbisyong tapat,
Sa bawat kasosyo, dedikasyon ang maipapamulat.
Tungo sa mas matatag at maunlad na hinaharap,
Magkakasama’t nagkakaisa sa rurok ng pangarap.